abakada

February 5, 2011

Nagising akong napapaligiran ng mga naglalaking letra. A B C D F G A A A A A AAAAAA kay dami nila. Hindi ako makaalis, halos hindi makakibo. Ako’’y sumigaw A A A A A A A A AAAAAAAAAAAAAA at nadagdagan lalo ang mga letra’t sumikip na. Hindi na ako makahinga. Hindi na ako makahinga. Napagod ako’t sa pagiisip at pagunawa kung anong gagawin. Nakaramdam ako ng gutom, nakaramdam ako ng gutom. Natanto ko ang letrang J na hugis kendi at aking dinilaan at siya’y matamis! Kinaga ko’t niyakap at hindi na pinakawalan hanggat hindi nauubos. Sinubukan ko nag ibang letra. Ang letra Ekis ay mapakla at hindi ko na punang ako’y nakapagsalita na naman P W E E E E E E E E E E E E E E E E E E E E E E dumami na naman ang mga letra. Halos hindi na ako makahinga, hindi na makahinga. Wala akong ibang solusyon kundi kainin lahat ng letrang A. Sa unang tikim ay unang lasa, lasang karton, lasang wala, lasang hindi pa nangyayari, lasang tinta. Naubos ko lahat ang letrang A at ako’y unti-unting lumobo at lumutang. Ako’y lumutang OOOOOOOOOOOOOOOOOO napapaligiran ako ng letrang O. Nakakalula dito at kay sakit sa ulo. Ako’y nanghingi ng tulong sa mga IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII upang ibalik nila ako sa dati kong anyo. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA EEEEEEEEEEEEEEEE IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII OOOOOOOOOOOOOOOO nalulunod na ako, kahit ang isip ko’y bumubuo ng mga letra. Ako’y nalulunod Mga letrang bumubuo ng tila alon ng dagat uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu ako’y nalulunod Walang ibang paraan, walang iba kundi manahimik at kainin lahat ng sinasabi.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.