ang bagong laruan ni fatima

November 16, 2010

“ayoko na nyan!”, sigaw ni Fatima. Sabay hinagis ang lumang libro na dati niyang paborito. “Bakit ayaw mo na? di ba gustong-gusto mo dati tong basahin?”, turan ng nanay niya. “nabasa ko na yan eh. paulit ulit. nakakasawa.” sabay ismid. nag kibit-balikat na lang ang nanay ni fatima sabay dinampot ang mga maruruming damit sa sahig at sa kama sabay labas ng silid. ni hindi lumingon si fatima para ihatid ng tingin ang babaeng nagluwal sa kanya sa mundo.
ang bagong laruan ni fatima.
laruang traktora na gawa sa kawayan. binigay sa kanya ng kanyan guro sa filipino. masaya ang buhay sa elementarya. maraming binibentang laruan sa labas ng paaralan. itik, yoyo, sipa, jolens, teks.. atbp.
pero pinaka gusto ni fatima ang laruang traktora. pero wala syang pambili. naawa ang guro niya, binilan siya. tuwang-tuwa si fatima. sa sobrang tuwa. nakalimutan na niya ang iba pang laruan sa bag niya.
ang traktora.
panlalake ang laruan kung tutuusin.
pero ayaw ni fatima ng manika.
gusto niya traktora.
yung malaki.
yung gawa sa kawayan.
hindi sa plastik.
nawalan siya ng interes magbasa.
marahil dahil akala niya alam na niya ang buong nilalaman ng luma niyang aklat. marami kasing nakalagay dun na binabasa niya ng paulit-ulit. paulit-ulit.
parang sirang plaka.
sirang plaka.
sirang plaka.
sirang plaka.
“nabasa na kita.”, bulong niya sa pulang aklat. “walang bago. walang kwenta ang nasasaad sa yo. hindi ako mabubusog sa mga bulaklak sa pagitan ng mga tinta at papel.”
tumangis ang aklat.
tinta. tinta.
nabura ang mga salita. humalo sa luha niya.
“ayoko ng basahin ka pa. lumuha ka hanggang gusto mo, wala nakong paki-alam.”
tumiklop ang aklat. ng kusa. sinara ang kanyang mga pahina sa mundo. kinubli ang mga tangis sa pagitan ng mga papel. nilunod ang sarili sa sariling tinta. umalis na ang pluma pati na rin si fatima. marahil dahil sa init ng lungsod. marahil dahil sa mababang klase lang ang mga bulaklak dito. naghangad siya ng mas mataas antas ng ligaya.
ng relihiyon.
ng ideya.
doon kung saan mas mabango ang mga bulaklak. mas malamig ang simoy ng hangin.
doon kung saan abot ang langit at tala. lumangoy sa hamog at hindi sa usok ng siyudad.
nakalimutan niyang basahin ang epilogo.
masaya na si fatima.
nakasara pa din ang aklat.
nais kong basahin ang aklat niya.
pati ang epilogo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.