P
September 25, 2010
Pinto
Kadalasan mainit kung minsan ay malamig
minsan lamang, minsan lamang
Pasulyap sulyap sa dilim at tikom ang bibig
huwag palinlang, huwag palinlang
Inikot ang kwarto, umikot ang isip
Naghihintay sa sulok na may lilim,
Inaalam ang kasagutan sa panaginip
O kahit ilang idlip hindi malaman ang lihim
Tuwing gabi’y tumatahol aming aso
Walang pangamba ako’y naghihintay
Naghihintay akong may bumaril sa aking ulo
Ang maidlip ng marahas ang nais kong tunay
Kung buksan ko ang pinto’y babaha ba ng alak?
Kung buksan ko ba’y dugo sa akin ang lulunod?
Walang imik at tuwing gabi’y ako’y nagagalak
Sapagkat sa mundong ito ako’y naka-bukod
Advertisement